|
|
Filipino Literary Division Ang Bulacan ay isa lamang sa mga lalawigan sa buong Pilipinas na pinagmumulan ng mga de kalibreng manunulat kaya naman ang Bulacan State University ay bumubuo ng mga programa na hindi lamang may kinalaman sa Inhinyera at Teknolohiya maging sa larangan ng sining at pagsulat. Taong 2007 ng pormal na inilunsad ang FLD bilang isa sa tatlong dibisyon ng IAL Talent Center. Ang pamunuan ay kinabibilangan ni Gladdy Emilia bilang Pangulo, Ana Carlota Castillo bilang Pang. Pangulo, Emmanuel Pastolero bilang Kalihim, Reygee De Vera bilang Ingat-yaman, Eilleen Mendoza, Beverly Valencia, Dianne Suzette David bilang mga Kinatawan at sina Lalaine Bonifacio, Cristina Camille Cruz, Bianca Camille Apostol bilang mga komite. Si G. Edel Larin ang itinalaga bilang Tagapayo ng dibisyon. Bagama’t nasa unang taon ng pag-oorganisa ang pamunuan ng FLD ay kaagad na nakapaglunsad ng mga gawain at proyekto na may kinalaman sa malikhaing pagsulat at panitikan. Naisagawa ang Pambansang Seminar-Worksyap ang “TELEPANITIK- Panitikang Mula sa Tao Para sa Tao” na dinaluhan ng iba’t ibang mga unibersidad sa bawat rehiyon. |
Palihan sa Pagsulat
Ipinababatid po sa lahat na ang mga sumusunod na pangalang makikita ay natanggap para lumahok sa darating na Ikatlong
BULSU-KALIPI Palihan sa Malikhaing pagsulat..
|

